Linggo, Disyembre 7, 2008

After Almost 1 year

Sept 07,2008 ng magsimula ako sa trabaho ko na ito halos isang taon na din pala ako sa pagiging Customer Service. Isang taon at mahigit na akong nakaharap sa PC at multi tasking paano ko naman nasabi na multi tasking? While taking up calls and doing reports marami pa akong ginagawa na lingid sa kaalaman ng Boss ko..ang bad ko talaga..
☺Friendster
☺ Multiply
☺ Blogs
☺ Bobong Pinoy Mailing List
☺ Ibat ibang forums ko
☺ Self tutorial ng CSS,HTML and etc
☺ Chatting
☺ Pag gawa ng project ng kapatid ko .. Oops
☺ at madami pang iba
Anu na nga ba ang natutunan ko pagkalipas ng isang taon
Isang training lang ang napuntahan ko at binigay sa amin di pa siya kompletp, pero masasabi ko na malaki ang naging tulong sa akin noon. Yun eh kung paano mag handle ng calls lalo na kung nagwawala na ang caller. Dapat laging isipan na Customer sila at kung mahaba ang pasensiya mo dagdagan mo pa ng todo wag mag irrate sa caller sabi nga ng bagong boss ko which is true kasi kung sasabayan natin ang nagwawalang caller eh useless ang usapan walang magandang mangyayari at panget ang closure.
Isang bagay pa pag nag-aapoy ang teleponoa at super dami ng calls di ko alam kung paano din ako nakakasabay samantalang di naman ako magbilis mag type. Pero ang sarap isipan na nakakapag submit ako ng reports kahit na madaming problema.
Sa tuwing papasok pa lang ako iniisip ko na kung anung mga complaint ang maari kung makaharap oh matanggap.Nagpapasalamat din ako sa mga araw oh pagkakataon na nalalampasan ko ang mga matitinding complaint ng mga caller.
Masarap at mahirap ang trabaho ko. Masarap kasi surf to sawa, net to sawa, hindi bawal ang mag chat oh kung anu pang gusto mong gawin sa internet basta lang wag porno.
Mahirap dahil minsan talaga namang madaming calls at pag nagkasabay sabay pa eh di mo na din alam ang gagawin mo.
Pero mas mahirap kung wala kang trabaho..
Akala ko talaga noong una hindi ko matutunan ang mga bagau bagay kung tutuusin napaka ikli pa ng isang taon pero ganon pa man masaya na din po ako first succesfull work ko po kasi ito..
Salamat din sa mga taong matiyaga kung ka chat lalo na pag GY ako.. Salamat XD