Huwebes, Disyembre 4, 2008
Pablo Banila's Secret Love Story
Kilala niyo ba siya? :( ito na ang dahilan ng lahat..Salamat kay Danniboi na nasa contacts ko naalala ko bigla si Pablo Banila :)=============================================================Nasa'kin pa rin yung alkantsa na Malboro na 'binigay mo sa'kin noon. Akala mo siguro nagyoyosi ako dahil maitim ang labi ko. O !@#$ lang talaga siguro'ng tingin mo sa'kin, e !@#$ naman kasi talaga ako. Hinde. Akala ko lang 'yon. Gusto mo lang talagang mang-asar: "Tama na yosi, ipunin mo na lang piso mo. Hehe." Pero masgusto kong maniwala sa akala ko... kasi alam kong masyado kang mabait kaya naawa ka sa isang hayop na tulad ko.Tuwang-tuwa naman ako. Sobrang na-timang. Sumulat ako ng tula tungkol sa talukap mo. Yung kaliwa. Ti-nype ko pala tapos 'pinrint, tapos 'sinuksok ko 'dun sa malaking yosi. Napansin ko naman na ulol na ulol na 'ko kaya pinang-type ko na lang noo ko, bago ko pa masulatan ng tula yung kabilang talukap mo... baka bawat buhok sa katawan mo e magawan ko pa ng epiko. Wala lang... ang bobo lang kasi ng ibang tao na kung tawagin ang pangalan mo e parang ganun lang kadali na tawagin Ka.Masbobo naman ako...Hangal, mangmang, supot.Kumpara kay Rodrigo, talo ako. Talo ako sa lahat ng bagay. Wala nang tatalo pa sa ginawa niya sa caf nang naglalakad kaming dalawa papunta sa bilihan ng softdrinks: malapit na kami tapos bigla siyang tumigil, may binubunot siya sa bulsa ng pantalon niya -- sabay biglang labas ng kamay niya na umiilaw na parang superpower, yung dalawang kamay niya parang may buhat na sobrang bigat na spirit ball. Yung buong caf nagwala, sobrang natanga. Maslalo na 'ko. Yung mukha niya half-mocking, at half na nagtatransform sa super saiyan. Tumigil talaga yung oras 'nun, kahit sandali lang kasi tinuro rin niya yung bubong tapos yung turbine air vent pala yun kaya nagfiflicker yung ilaw, eh ang dilim pa man din sa caf. Tangina, kaya niyang magmassacre magbiro lang siya. Halos mamatay na yung buong caf sa kakatawa, kung gaano rin kami napatanga. Ako naman, desperadong nakikihati sa pagka-astig niya kunwari minamadali ko siyang bumili ng coke dahil malalate na kami, kunwari maasikasong kaibigan daw. Wala talaga akong kwenta.Magche-chess kami, madalas nananalo lang ako pag nagka-blunder siya sa simula. Masmabilis siyang magsolve ng Rubik's, kahit sa anong puzzle o problema pa. Masmatangkad nga ako at medyo mataba siya ng konti pero never siyang tinaghiyawat. Sabi nga niya na sabi raw ng celeb crush niya na si Ruffa Mae, "Ang mahal ko ay flawless, siya si Morales." (Sabi rin daw ni Brad Pitt, "I must confess: I am Morales.")Ang skateboard namin ay yung mga nakakalat na concrete cylinders sa field: hindi plywood, semento. Metal na metal; mukha nga lang kaming matsing. (btw, yung ungguy-ungguyan pala e evolution ng "matching" game, lol) Pero kahit unggoy pa rin ang matsing, nung CAT Frolic siya lang ang pinapresent ng platoon nila at sa gitna ng field, sa harap ng buong batch at ng mga nanonood sa mga bintana ng humanities at ng mga walang kwenta niyang kaibigan na nakaupo sa front lobby bench na nagditch ng CAT para mag-cs dapat pero kinumbinsi na lang siya na ituloy yung circus act niya, habang naglalakad sa taas ng cylinder nagbalance siya ng rifle sa ilong niya at nagjuggle ng mga bola. Bigla na lang siyang tumakas pagkatapos na pagkatapos dahil akala niya hinihintay namin siya. Wala tuloy siya nang inawardan yung platoon nila, dahil sobrang panalo nga. Walang kwenta.Magsi-sipa kami sa field tuwing uwian, tapos lakad ng front lobby, maghuhubad siya ng polo, magpupunas ng pawis gamit ang mangas -- kita pa yung libag pagkatapos, tapos sabay pasok sa limousine. Ako, maglalakad ako papuntang Mindanao Ave. Nagyayaya naman siyang manghatid kahit hanggang sakayan lang, pero Katipunan siya -- sa Ayala Heights -- kaya out-of-the-way; tsaka ang laking hassle dahil ang layo pa ng dadaanan nila para maka-u-turn. Okay lang dahil kadalasan kasama ko naman yung ibang kabarkada maglakad. I mean, okay lang dahil masaya, pero kahit na ilan kayo mahoholdap parin kayo tulad nang nangyari nga samen tatlong beses. Isang beses nang ako lang mag-isa, montik na kong ma-rape; bute piso lang ang halaga ng puri ko.Naging magkaibigan kami nung grade 3, sa UPIS (pronounced "oo-pis"), kasi kaming dalawa lang parati yung natitira 'pag uwian -- pero hindi yun yung dahilan. May sarili siyang barkada actually, tapos binubully pa nila 'ko noon. Siyempre wala kang magagawa kapag sila yung pinakacool na apat sa klase, 'pag sila lang ang marunong magmoonwalk. Bigla na lang lumapit sa'kin si Rodrigo na tumatawang naiiyak, nung uwian, hanapin daw naming dalawa yung Swatch watch niya. E alam ko yung itsura nun, dahil nga sikat siya. Hindi namin nakita yung relo niya, pero may nakita kaming iba: isang bagong pagkakaibigan.Binilhan siya ng-- teka, tatawa lang ako. HAHAHA. HAHAHA! -- binilhan din siya ng bagong relo. Yung Illuminator, nung nagpunta silang Hong Kong. Yung Illuminator na may calculator. Tsempo naman na nagpadala yung ninong ko sakin ng normal na Illuminator. Sinynchronize namin syempre to the last second, ayon sa relos ng bell. Hindi automatic yung bell, pero tuwang-tuwa kami tuwing nagcocountdown kami tapos sakto yung ring. Pero tuwang-tuwa rin kami tuwing nagtetelebabad kami habang nanonood ng Adventures of Huckleberry Finn at Zenki, tapos may delay ng mga limang salita sa broadcasting. Nagche-chess at nagma-magic din kami madalas sa telepono, at sabay naming sinasagot yung mga questions sa isang lumang lateral thinking na libro na pag-aari ng Tito ko nung teenager pa siya. Pero pinaka-nakakatuwa talaga e tuwing sinisigawan namin yung isa sa telepono 'pag madaling araw dahil nakatulog na.Marami pa kaming homoerotic stories na swak na swak sa panlasa ng masasama sa masang nagsama-sama, mama. Bababa ba? "Bababa ba?" ba? " 'Bababa ba?' ba?" ba?.com Marami na rin akong hindi pinatulog nang ilang linggo kakakwento ng aming platonic friendship (plate tectonics ang labas pag nag-sesex kami). Sa susunod na lang pag may oras. Kung hindi dahil sa kaniya-- biro lang yung plate tectonics !@#$ ka -- hindi ko rin sana na-master ang humor ng The Simpsons.Legend siya sa lahat ng institusyong nadaanan niya, from UPIS to pisay. Either siya ang pinaka-paborito o ang kilabot ng faculty. Sikat siya sa lahat ng batches na naabutan namin. Mahal siya kahit ng mga personnel, dahil kahit ano pa kayo gusto niya kayong patawanin-- hindi pala, gusto niyang tumawa kasama kayo. Pagmasdan mo na lang siyang makipaglaro kay Fluffy, yung poodle nila, at tingnan mo kung di ka mainlab sa pagbe-babytalk niya habang sinesex ni Fluffy yung paa niya: "Kepipa! Kepipa!"Kumpara kay Rodrigo, talo ako sa lahat ng bagay.Pero bakit ako ang pinili mo?Ikaw na nga sana ang pinaka-desirable sa batch natin dahil mukhang cinlone si Rei Ayanami galing sa DNA mo... KUNG 'DI KA BA NAMAN ISANG MALAKING TANGA!!!!!!!...Mastanga naman ako...Ikaw lang ang babaeng kakilala ko na adik sa chess. Hindi ka nagsasalita dahil nahihiya ka sa boses mo na tulad mo e parang tibo. May time na masmahaba pa yung buhok ko sa barber's cut mo. Kung isuot mo yung palda mo e para kang lalaking hiyang-hiya na mapagkamalang bading. Nagt-tshirt ka pa sa loob ng blouse mo. Mas-erotic nga e. Nakaka-bading. Ayanaming-ayanami talaga: sa kilos, sa apathy, sa poker face at sa-pagka Russian-Chinese mo tapos lagi ka pang nag-iisa.Lahat e nagkakagusto sa'yo. Pati mga babae, bago mo sinagot yung tanong ni Sir Ces na "Ano yan?" First day ng first year; naka-casual lahat at tinuturo niya yung earrings mo. Ang sagot mo, "Sir, babae po ako." "Hindi yun ang tanong ko, tinatanong ko kung ano yan!" Men's shirt, men's pants at rubber shoes: kaya naman walang makalapit sa'yo.Kasing-edad natin yung Eva pilots nung pinalabas siya sa tv, kaya masbaliw yung batch natin sa Eva dahil masnakaempathize tayo sa heightened realism. Kaya lahat kami e buang na buang kay Rei Ayanami... pero akin lang siya. Pati mga clones niya. Binuntis ko na silang lahat ("Baket, akala niyo LCL yung nasa tank?").Pero ang pinaka-gusto ko sa'yo, e wala kang pakialam sa pagka-babae mo.Matagal na kong asar sa mga feminists, bata pa lang ako. Ako ang laging pinapagawa ng mga bigatin at kadiring gawain ng nanay ko sa bahay: mag-igib ng tubig, magwalis ng tae ng aso, maglinis ng tinaihan ni lola, at kahit paghuhugas ng pinggan; kesyo lalaki raw ako. "KAYANG-KAYA AKONG BUGBUGIN NI ATE, BA'T DI SIYA'NG UTUSAN MO?!" Kapag pinagbubuhat naman ako ng kung ano ng mga kaklase kong babae, o kaya kinukuha na lang nila basta yung gamit ko ng walang paalam, o kaya nananantsing: "INAABUSO NIYO ANG PAGKA-BABAE NIYO!!!!"Ang aangal ng mga !@#$. Kung nakakulong man sila, hindi naman naka-lock yung kulungan; wala namang pumipigil sa kanilang lumabas kundi sarili nila. Masmabuti nang makulong dahil wala kang puedeng gawin kesa makadenang gumawa ng hindi mo naman gusto.Akala ko talaga dati ako ang nag-imbento ng masculinism. Nabasa ko na lang sa wikipedia na luma na pala 'yon. Pero, hindi ako natuwa. Sa totoo lang, ang bakla. Na-aasar lang ako sa pag-angal nila, pero wala akong gustong baguhin. Ang bakla kung i-aadvocate mo pa. Sa totoo lang, napaka-ironic ng feminism dahil yung mismong pinaglalaban nila e mga lalaki rin ang masmakikinabang sa huli. Ang tingin sa'kin ng mga tao e either woman-hater o bakla porke hindi ako nagpapaka-gentleman, e ako nga itong nagbibigay ng oportunidad para makita nila na kaya naman nilang buhatin ang mga libro nila.Swerte ako't napanood ko ang pinaka-nakakatawang news report sa buong mundo, sa Hoy! Gising: "Payatot, ni-rape ng machong bakla!" Reporter: "Ba't ho 'di kayo sumigaw habang kinakaladkad kayo sa kalye?" "NAKIKITA MO BA'NG KATAWAN NA 'YAN?!" Bakla: "Hindi ka nga nagreklamo eh. Sarap na sarap ka sa lotion sa pwet mo." Lahat ng tao sa police station tawa ng tawa, yung iba OA na tulo-laway. Sino ba namang may gustong mawala ang mga ganito sa news?Kung awang-awa man ako para sa mga babae, e dahil yun sa role nila sa pag-ibig. At least, sa general definition ng pag-ibig na pagbibigay at pagbibigay. Kung ang lalaki ang nakatakdang magsakripisyo para sa pamilya sa society, pano naman ang mga babae? Gusto rin nilang magsakripisyo. Gusto rin nilang magmahal. Pero pano sila makapagbibigay kung hindi natin sila hahayaan? Kagandahan. Kaya awang-awa ako sa mga babae, dahil "kagandahan" lang ang alam nilang puede nilang maibigay.Pero, syempre, walang kwenta ang gender inequalities kumpara sa racial na walang kwenta kumpara sa economic. Pero anong magagawa mo -- may nuke ka ba?Pero, syempre, walang kwenta ang lahat ng ito sa'yo. Ipinakita mo sa'kin na ang sarap ng buhay tibo. Pero hindi ka tibo. Parang lang.Sidekick lang ako ni Rodrigo from 1st -2nd year. Siya ang class clown. Magkaklase kasi kami. Masmagaling siyang magpatawa dahil masmabilis at masrandom ang mga hirit niya, halos lahat ng skillz at trix na alam ko e sa kaniya ko natutunan at masmarami pa siyang kayang i-impersonate. At kung tumawa siya e parang bata: hindi niya kayang pigilin; kaya feeling mo e intrinsic na nakakatawa talaga kung ano man yung ituro niya. Ang dami niyang ginagawa na siya lang ang kayang gumawa na walang sabit, tulad ng pangangagat ng pisngi ni Snorlax at pananampal ng babae at pang-aasar ng mga pangit at bobo nang lantaran at pagtawa sa harap ng isang nanay na nakwento na hindi pumasa ng pisay yung anak niya. Hindi sa !@#$ talaga siya. Alam lang niya na nandun ako para mag-apologize para sa kaniya. Tsaka kahit anong mangyari, tatawagin lang niya yung bar topnotcher na lawyer na tatay niya, ang pinakamagaling na corporate lawyer sa asia. Kahit hindi na niya tawagin yung nanay niya, na doctor ng pol sci at philosophy na up professor, tsaka kasama sa board of directors ng pisay. Pero kung sakali, sasama pa rin yung nanay niya -- tulad nga nung grade 4, nung inappear niya sa mukha yung babaeng na-appear siya sa mukha nung inaabot ng babae yung ledge ng door. Sinulatan kasi ng nanay ng babae yung mga magulang ni Rodrigo, ang sabi "If you do not start disciplining your child, you are raising a future murderer and crook."Umiyak siya non. Tulad ng umiyak siya nung inakusahan siyang nandaya sa isang math test nung grade 5 dahil nung galing siyang CR, napadaan siya sa isang section at nung tinanong siya kung san siya galing sabi niya "NagCR para magcalculator." Nagbibiro lang naman siya. Siya ang pinakamagaling sa math. Kaya pinagmamalaki ko na kahit isang beses natalo ko siya sa math contest, at yung pera pinambili namin ng magic cards sa green house (AS walk) na pinampapanis namin sa mga deck ng college students. Wala pa kasing bakod ang UPIS non.Sidekick lang ako dahil kaya ko lang humirit ng supplement sa mga jokes niya, mga supplement na hindi niya naisip habang sinasabi niya yung joke niya kaya nasasabi ko pagkatapos. Nung pinaghiwalay kami ng section ng PTA nung 3rd year, ako na yung naging clown ng klase.Okay na sana. Kaklase pa rin kita. Pero yun nga, nung first day ng 3rd year, pumasok na lang bigla si Rodrigo sa room at imbis na sa'kin pumunta e lumapit siya sa'yo at biglang sabing "Oi, ikaw ang prom date ko ha?" Sa harap pa ng lahat ng miyembro ng ASS (Antisocial Suicide Squad), e lahat kami may gusto sa'yo. Pero wala kaming angal, dahil lahat kami alam na kung meron mang karapat-dapat na lalaki para sa 'yo e siya na yun. Pero hindi ka nagsalita. Hindi ka nagreact. Nag-"yay" lang si Rodrigo tapos lumabas.Okay lang sana.3rd year, 3rd quarter PE, ballroom dancing. Yung pairing, by height. Kung hindi lang nag-absent yung gagong kaharap ko sa pila e hindi sana ako miserable ngayon.Ako ang naging partner mo.Okay lang sana... dahil hindi man ako marunong magmoonwalk, tinuruan kami ng ballroom dancing nung grade 5. Lahat ng naka-sayaw ko non e nagka-kras sa'kin: yung partner ko, at yung mga nag-sub sa kaniya nung nagbakasyon siya. Ewan ko kung ano meron. Masmalambot nga ang mga kamay ko kesa sa babae(kinoconsider ko silang sex organs, kaya buysit na buysit akong makipaghandshake). Sensitive din ako sa pagque ng next step. Hindi tayo tinuruan ng dips or spins kaya bonggang-bongga pag-ginagawa ko... pero hindi masyado, dahil baka mahilo ka. "Baka nahihilo ka na? :D " "Hindi (: " KILIG!!!!!!Nung time na yun, bigla na lang akong nagsimulang mag-gel ng buhok LOOOOOOOOOOL!!!! Sobrang halata na ng lahat.Nung time na yun, bigla ka na lang nagsimulang tumawag sa'kin. Nagtanong ka kung ano yung assignment....Kung sabagay... "Baka hindi lang gumagawa ng homework si Pablo, pero alam niya kung ano yung homework."Kung ibang tao ka e tumawa na ko ng !@#$: "PUHUHUHUHUHUTAHAHAHAHA!!!!!!!!!!"Kung sinulat ko sana yung assignment nung araw na yun e nagkaron sana ako ng oras para kumalma at naisipan ko sanang magkwento at magpatawa, pero ang tinuliling lamang ng puso kong namula't inangkin lahat ng dugo sa nanlalamig at nanginginig kong katawan ay: "Hindi ko alam e. Sorry ): Si Jerome alam niya, sa kaniya ako parati nagtatanong." Tumubo rin yung milk molar na tumaraktak sa sahig noon.Tumawag ka ulit. "Hanapin natin si Ma'am Sto. Domingo bukas para mapa-schedule na natin kung kailan tayo magfi-finals. Tsaka magpractice na rin tayo." "Sige." *click***Kinabukasan, uwian, hinahanap kita sa front lobby dahil dun ka naman parati naka-upong nag-iisa, naghihintay ng sundo o pag kumakain ng lunch o nakatanga. Paglingon ko, papalapit ka na pala sa'kin. Naka-PE uniform ka kahit walang PE. "Pablo, halika na." Sobrang lapit ng mukha mo kaya 'nun ko lang nalaman na light brown pala ang kulay ng kilay at pilik-mata mo, pati mga mata mo. Hindi ko alam. Hindi ko mapayagan ang sarili ko na tingnan ka... kahit habang nagsasayaw, pag nakita kong naka-ngiti ka sakin, kulang pa ang utak ko para ma-grasp yung katotohanan na naka-ngiti ka ngang talaga sakin kaya pati visual cortex ko hindi na vision ang pinoprocess... ang galaw ng katawan ko, ang galaw natin, e parang coincidental na rhythmic seizures na akala ng motor cortex instructions, pero part lam pala ng katotohanang yon.Kinoconsider kong sex ang titig ko -- pag sa babae. Kaya kung naglalakad ako e lagi akong naka-focus sa vacant spaces, o kung crowded man e sa lupa ang tingin (except kung may kaharap, dahil parang naka-titig sa pwet. Hindi ko alam kung saan ako titingin kaya binibilisan ko na lang lakad ko). Hindi ako tumitingin sa babae, pero skina-scan ko ang mga lalaki kung nasan ako. Hindi yun kabaklaan: sinisigurado ko na walang lalaking masmalakas ang sex appeal kesa sakin LOL. Pagsigurado na ko, bakit pa ko titingin sa mga babaeng tititig naman sakin? Syempre depressed ako pag talo. Kaya parati akong depressed e...Yun nga, "Pablo, halika na." Sabay tayong lumakad magkatabi. Sobrang hiyang-hiya ako sa mga tingin ng mga tao sa front lob. Lalo na sa mga kakilala ko; lalo na sa mga kakilala kong kakilala ka. Sobrang hiyang-hiya ako para sa'yo: ANONG MERON AKO'T NANDIRITO AKO NGAYON?! ANONG GINAWA KO? O BOBO KA LANG TALAGA?!!!! "ANONG NAKITA NIYA SA PANGIT NA YUN?" "ANONG GAYUMA'NG GINAMIT MO PABLO?!" "SIYA NA YATA ANG PINAKA-TANGANG BABAENG KILALA KO."Wala pa tayo sa stairs e nanlalamig at nanginginig na ko. Pinapawisan ang noo, at pilit na pinipigil ang sarili na magaya ang puso ko't pagpupukpukin ang naka-pader na mga tao. Bago tayo umakyat, nakita natin si Moi at Gary nagpapa-xerox. "[MAKIROT NA INSULTONG NAKALIMUTAN KO NA KUNG ANO] Pablo." sabi ni Gary. "!@#$ Gary ba't ang sama mo kay Pablo?!" NR tayong umakyat. Nagmanifest na lang yung damage pag-apak natin sa 2nd floor: hindi na tayo magkatabi. Nauuna na kong maglakad sa'yo."Wag mo kong iwan"Shet.Monotonous ka magsalita. Parati ka pang naka-poker face. Pero lasang-lasa ko yung nararamdaman mo nung sinabi mo yun.Ang alat.Lasang luha na may konting dugo at patak ng patis.Binalikan kita."Sorry"Para kitang dinuraan sa mukha.Kumanan tayo papuntang library. Kumaliwa. Tayo lang ang tao sa 2nd floor. Kahit na biglang sumulpot sina Jomath at Rins sa dulo ng corridor, tayo lang ang tao sa 2nd floor.Nung malapit na sila, nangantsaw. Tinapik ko ang braso mo sabay bulong, "Kunwari lang." Sabay hawak sa kamay mo. "You guys mind your own love lives (: In our world you don't even exist."Tawa.Papuri.Tawa.Ngiti.Pamumula.Ngiti.Umalis din sila.Bumitaw din ako."Sorry""NAKAKA-ASAR YUNG MGA GANUN!!!!"Manhid sa lamig at pasmado ang kamay ko.Kaba ang laman ng utak ko.Walang lugar para maalala ang init ng kamay mo.Baka...Hindi.Baka...HINDE!!!!!!Imposibleng nilalamig din ang kamay mo.Imposibleng maalala kung kumapit ka rin.Imposibleng nangyari ang mga ito.Oo.Kunwari lang ang lahat.Kung kunwari rin lang pala, sana hindi na ko bumitaw:"Hanggang kailan mo gustong magkunwari."Ang masagot ng higpit ng mga daliri mo.Kahit kunwari lang.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento