Huwebes, Disyembre 04 2008

Nasaan Na nga ba Si Charles?

Kanina habang kumain ako ng hapunan dakong 6:30 ng hapon may nalala akong isang kaibigan. Nasaan na kaya si Charles? Teka sino nga ba si Charles? Si Charles ay isang long time friend ko noong College ako mula 2nd year second sem hanggang 3rd year second sem pagdating kasi ng Fourth Year hindi na kami mag kaklase kaya hindi na din kami masyadung nagsasama at nagkikita noon. Naalala ko pa ang kung gaano ka simple at ka payak umayos itong si Charles. Mula sa Palawan dito siya nag aral ng Kolehiyo sa Maynila Kasama ang pinsan niya isa ding malapit kung kaibigan. Mula doon dala niya ang mga kwento kung gaano kaganda at kayaman ang lugar na pinanggalingan niya.
Isang napaka simpleng lalaki na punong puno ng pangarap sa totoo lang noong una di ko siya kinakausap bukod sa weird kasi siya yung tipong ng lalaki din na napaka tahimik. Hindi ko na maalala kung sa paanong paraan kami naging malapit sa isat isa. Sa aming apat na magkakaibigan na ako lang ang nag iisang babae, Siya ang partner ko sa mga lakaran, ang kakampi ko at madalas na kakwentuhan.
Kung tutuusin hindi talaga siya katalinuhan at may mga kahinaan siya, kabila ng mga bagay na iyon. Hangang hanga talaga ako sa determinasyon niya na makatapos ng pag-aaral. Kailan man ay bihira ko siyang nakakitaan na sumusuko na siya sa problema. Pilit niyang iniintindi ang mga bagay bagay at gumagawa ng paraan para makasabay at maging maayos ang pag aaral niya.
Nakakamis ang mga ginintuang aral ng kaibigan ko na ito. Ang taong inakala ko noong una na tahimik lang ay may tinatagong kadaldalan pag kami na ang magkasama. Marami siyang mga payo sa akin tungkol sa buhay, patungkol sa mga gawaing bahay. tungkol sa pagiging mabuting anak at kapatid. At higit sa lahat ng minsang mapunta na din ang usapan namin sa isyung Sexual at di pa nakontento eh nagpayo pa :) Nakakamis talaga
Kaibigan ko nasan ka na ngayon anung ng balita sa iyo? Magparamdam ka naman. Simula ng makapatapos ako ng pag-aaral wala na akong naging balita sa iyo bukod sa nag aaply ka daw para makapag abroad.
Namimis ko na po ang ating kwentuhan tungkol sa ating mga simpleng pangarap. Simpleng pangarap na naabot na kaya natin pagkalipas ng ilang taon na hindi natin pagkikita?
Anu kaya ang magiging reaksyon kung mababasa mo ito, Matatawa ka kaya o maiiyak kung wala sa dalawang iyan bahala ka na. Oh di naman kaya may isang bagay akong naiisip na pwedeng mong sabihin sa akin, " wow Donna ikaw ba iyan'? Iyan naman ang lagi mong sinasabi sa akin di ba?
"Donna galingan mo huh"!! "Donna talunin mo sila huh"
Kailan ko ba ulit maririnig sa iyo ang mga salitang iyan?
Kailan ba ulit kita mayayakap?
Kailan ba ulit tayo maglalakad sa kahabaan ng daan na magkahawak kamay?
Nasaan ka na nga ba ngayon Charles. Sobrang nakakamis ka na talaga.!

0 (mga) puna: