Huwebes, Disyembre 04 2008

Kilala mo po ba si Donna Rose?

Kilala mo po ba si Donna Rose? Ikaw kilala ba kita?
Kung kilala mo siya saan mo siya nakilala.? Kung hindi mo naman siya kilala malamang hindi ka naman mag aaksaya ng panahon na kilalanin siya di ba?
Aaminin ni Donna sa inyo na hindi siya magaling oh maraming alam kung totally current issue ang usapan. Ang daily routine kasi ng taong iyon eh trabaho-tulog-gising-kain-trabaho.
☺Wala na din siyang paki alam sa mga gawaing bahay basta siya trabaho-tulog-gising-kain-trabaho. Di siya mag eeffort nag gumawa ng gawaing bahay.
☺Hindi magaling sa pangangatwiran lalo na kung usapan ay tungkol sa history ng Pilipinas.
☺Di din naman siya masyadong maasahan lalo na kung payo ang hihingin mo sa kanya.Mabibigyan ka siguro na niya ng magandang payo kung talagang matagal ka na niyang kilala pero kung bago lang kayo at natalisod ka lang niya sa tabi tabi ang tangi mo lang maririnig sa kanya ay OO at tango tango lang...
☺ Wala siyang kabisadong buong kanta. Di din niya alam kung anu talaga ang type ng musika ang gusto niya kung anu lang ang naririnig niya yun na yun.
☺ Minsan pag naiinis siya lalo na pag nagbabasa ng mga post sa BP hindi na siya nag iisip kaya bigla na lang siyang may nasasabi tapos may mag rereact naman. Sa totoo lang alam naman niya kung sino agad ang unang mag rereact sa sasabihin niya. Gusto gusto niya pag nag rereact yung tao na iyon.
☺ Kapag seryoso siya, Seryoso siya pero kaya pa din niyang magbiro/
☺ HIndi siya magaling sa english at sablay siya sa spelling
☺ Maiinis ka sa kanya kasi minsan tatawa na lang siya lalo kung nakaharap siya sa pc niya panigurado kinikilig yun sa ka chat niya.
☺ Di pa siya nakakapunta sa Manila Zoo
☺ Di pa din niya nakikita ang anino ng Heroe Channel
☺ Isang bagay din ang sigurado di ganun kadami ang stock knowledge niya pero Isang bagay din naman ang sigurado di naman siya boring kasama.
Eh anung silbi ni Donna kung puro hindi ang nasusulat dito?
☺ Sa trabaho pag may tanong sa kanya ang mga kasama niya makakaasa ka na may maibibigay siyang tulong sa iyo Kahit paano.
☺ Maasahan mo siya sa lakad, galaan at puyatan.Lalo na sa kainan.
☺ Sweet ba siyang kaibigan? (ewan di ko alam tanong mo na lang sa mga nakasama na niya)
☺ Mahilig siyang mag isip ng mga suntok sa buwan ng mga bagay, Mahilig siyang mangarap
☺ Di ko din siya maintindihan minsan dahil may part yung pagkatao niya na malalim ang mga sinasabi niya na sa ilang tao niya lang sinasabi kanino kaya naman? Kay batman? Kay spiderman?
☺ One thing pa pala tungkol sa kanya. Pansin ko lang kung anung matinding emotion meroon ka sa at kinausap ka niya ma aadopt niya yung emotion na iyon. Mahirap bang ipaliwanag?
☺ Mahaba pa ang gabing ito pero kung sasabihin ko kung sino yung Donna na iyon eh baka tamarin kang magbasa at alam ko naman na hindi ka din magkakaroon ng katiting na interes di ba?
☺ Ganito na lang gusto mong sumama? Kasi ako kasabay ko siya sa paglalakad...
☺ Kung gusto mong sumama salamat naman sabay sabay nating tahakin ang landas kung saan makikilala natin ang isat isa ...
☺Teka sino ba ako.. Kilala mo ako??

0 (mga) puna: