Wala akong paki alam sa Pilipinas,
wala akong paki alam sa mga balitawala akong paki alam sa mga pangyayari dedma ika nga..
.Dati ang tanong ko ano ba yong tinatwag nilang current events?
ano naman kung mababa ang piso?so kung ma impeach ang pangulo?
ano din kung magtaas ng gasolina?
may magagawa ba ako sa kidnap for ransom?!
maraming basura eh anu magagawa ko?
tuloy pa din naman ang buhay ko kahit magulo ang Pinas!
Basta alam kung hindi ako nagugutom at maypera ako wala akong paki alam sa inyo kahit na mag ka gyera pa wala ko ker!!
pero sa paglipas ng panahon na bago ang baluktod na pananaw ko unti unti kung na appreciate ang pag ka PINOY ko..
Paano isang Tao ang nag pakilala sa akin ng totoong kalagayan ng bansa natin....
Hindi ang nanay ko
Hindi ang tatay ko
Hindi ang kapatid ko oh kamag-anak ko mas lalong
hindi ang guro ko..at mga kaibigan ko...
Hindi ko napannod sa TV Nalaman ko sa isang Tao...kilala niyo din siya malamang
Kay BOB ONG...Dahil sa mga libro niya namulat akos a totoong kalagayan natin..
Kung anong totoong damit ng PILIPINAS
Kung anong kapintasan nito..
Kung gaano ito naghihirap..
.Kung anong totoong sakit nito...
kung anong unti uniting sumisira dito...
Sa kabila ng paglaganap ng sakit niya
Mas na appreciate ko din kung gaano siya kaganda
Natuklasan ko kung gaano ka kulay ng ating KULTURA
Naisip ko na wala ng mas gaganda pa sa bansang sinilangan ko
Masarap pa lang mag almusal sa umaga. Kaya Pilipinas bumangon ka na!
Masarap makipag siksikan sa edsa, sa makati at sa mendiola!
Masarap pa lang magbasa ng balita..
Masarap pa lang makarinig ng mga katagang
"KASAMA KAYO SA PINAGLALABAN NAMIN"Masarap pa lang maki pag debate tungkol sa mga isyu sa ating bayankaysa magkulong at magbasa ng pocket book..
Masarap pa lang pilitin mong gumawa ng bagay na tama kesa gumawa ng mali....
Para sa akin wala ng sasarap pa sa pagbabalik tanaw sa kasaysayan
pagbabalik tanaw sa sinimulan ng kultura..
pagbabalik tanaw sa mga naunang problema at kung paano ito na solusyunan
pagbabalik tanaw sa mga nagawa ng dating pangulo...
pagbabalik tanaw sa nakaraang edsa 1,2,3
pagbabalik tanaw sa mga dating uso at ngayun ay nababalik na naman....
Hay kay sarap maging PINOY sana noon ko pa nalaman
Pag nakakakita ako ng nag taong nag tsimisan isa lang masasabi ko
"ay PINOY IYAN!!!"Pag nakakita ako ng tambak na basura
"ay PILIPINAS nga ito.."
pag nakakita ako ng periodiko na hitik sa balitng krimen at politika
"ay sa bayan namin iyan"Nakakalungkot isipin ano?
Pero gaano pa man tayu kagulomay isang bagay tayung hindi maitatago ang pagiging masiyahin natin.....
Santambak man ang problema mo..
Santambak man ang utang mo..
Kahit na malapit ka ng matanggal sa trabaho...
kahit na susunog ang bahay mo...oh may taning na ang buhay no...
isang bagay ang garantisado
NGINGITI KA PA DIN .... bakit?PINOY KA EH!!!
Kung may tatawag man sa atin na bobo tayo..papayag ka ba?
Siyempre hindi gagawa at gagawa ka ng 'paraan para patunayan na di BOBO ang PINOY....
Nakakalungkot ding isipin na maraming di proud na PILIPINAS ang bayan nila...
paano tayu babangon kung tayu mismo walang malasakit sa bayan..
walang nilalaan na pagmamahal..
ikinahihiya ang pinang galingan totoong maraming kapintasan ang Pilipinas.. pero kaibigan hahayaan mo na lang ba ang hamambuhay na kapintasan???!
Buti na lang hindi nakakapagsalita ang PILIPINAS pag nagkataon lagot tayo....
Salamat na din at may mga taong naniniwala na MABABAGO pa ang takbo ng ating bayan.
..Oh PILIPINAS BUMANGON KA!!!!
Salamat sa buong Kabataang Pinoy!Tatagal pa ito...
Maniwala tayo sa kakayahan nating maymagagawa tayong mga simpleng bagay para sa ating bayan.....
Salamat sa mga bagay na naging daan para mahalin ko ang PILIPINAS....

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento