Linggo, Setyembre 21, 2008

Kailan Ka Huling Tumakbo?

Kanina habang nakasakay ako ng dyip na biyaheng BEL-AIR to WASHINGTON sa Buendia,may napansin akong dalawang magkaibigan na lalaki na nasa edad 20-25 taong gulang palagay ko ba ay empleyedo ng isang bigating kompanya sa makati oh di naman kaya pwede kung sabihin na Call Center Agent sila.
Habang nakahinto ang dyip na sinasakyan ko naaliw naman ako na pinapanood ang dalawa sa ginagawa nila dahil nkahinto lang naman din sila kita ko ang mga reakyon sa mukha nila kahit na hindo ko sila naririnig. Nagulat na lang ako ng bigla silang tumindig ng akmang makikipag karera oh sasali sa Marathon bigla silang nagunahan sa pagtakbo, kasabay naman ng pag andar ng dyp na sinasakyan ko.Tanging tanaw na lang at ngiti ang binigay ko sa dalawa na patuloy sa pagtakbo nang masaya at nakangiti.
Bigla ko tuloy naisip kailangan nga pala ako huling tumakbo? Hindi yung pagtakbo dahil may magnanakaw sa likod mo, hindi yung tumtakbo ka dahil late ka, hindi din naman yung pagtakbo na may hinahabol ka.Bigla ko tuloy naisip na marami pa lang kahulugan ang pagtakbo.
Matagal tagal na din pa lang hindi ako tumatakbo.
Iyong tatakbo ka na hindi mo namamalayan na nakasayad ang paa mo sa lupa, dirediretso at walang patid, iyon bang pakiramdam na hindi ka napapagod at wala kang iniisip ang gaan sa pakiramdam.Mas masarap sigurong tumakbo kasama ang kaibigan sabay niyong tatakbuhin ang kalye, ang kalsada oh kahit saan pwede, ang sarap siguro ng pakiramdam ng ganon, habang tumtakbo ka naiisip mo ang magagandang mga bagay teka baka naman sa Cartoons lang nangyayari iyon kina Heidi oh kaya naman kina Tom Sawyer.
Naalala ko na bata pa ako ng tumakbo ako ng ganito.Noong wala pa akong kilala kung hindi ang batibot lang.Noong hindi pa magulo ang utak ko. At higit sa lahat noon maluwag pa ang kapaligiran ko.Pwedeng pwede ka pang tumakbo ng payapa.
Ngayon ewan ko lang kung magagawa ko pang tumakbo ng may malayang isipan. Sa nangyayari kasi sa bansa natin,ewan ko lang kung may lugar ako sa Pilipinas para sa simpleng pangarap na ito
Sa panahon kaya na makakatakbo ulit ako sino kaya ang makakasama ko?
Excited na ulit akong tumakbo, tara samahan niyo ako :D

1 komento:

Amartinez ayon kay ...

aahh kung ako sayo magpalit ka ng trabaho mo kung gusto mong tumakbo ka...

kung literal na takbo ang usapan...

yung tambay ka lang at maghihintay na may madadagit...

hehEh!!!

malaki kita dun.. promis...

like your blog focus sau at pagkapilipino...