Linggo, Setyembre 21 2008

Atashin Chi (Ang aking pamilya)

Sa umaga pag sapit ng 8:30 kailangan nakaharap na ako sa TV channel 07kung nasa work naman ako need ko magmadali na umuwi para makahabol sa isang cute na palabas! Sinong nanunuod ng ATASHIN CHI dito taas kamay PM niyo ako magkakasundo tayu!!
Atashin chi ang salitang japanese na ang ibig sabihin ay AKING PAMILYA!although more on japanese culture ang pinapakita ditonakakatuwang panoorin yung ROLE nang NANAY dito di ko alam yung name niya eh!
Para kasing yung ibang Nanay eh may pagkakaparehas ng ugali sa nanay ni mikan! Lahat naman ng bagay ginagawa niya para sa pamilya niya yun nga lang minsan exagerated at mali ang nagiging outcome! Minsan sa sobrang busy nila nalilito na sila at doon nagkakamali na sila
Ooops hindi ko naman po sinasabi na mali mali ang mga nanay!lahat naman ng bagay para sa ikabubuti ng mga anak nila di ba?naalala ko noong high school ako nagulat ata yung mama ng friend ko agad kaming dumalaw sa bahay nila pinaghanda naman kami ng meryenda yun nga lang sa sobrang gulat ata yung pansit kanton naging instant noodles! hindi ko madescribe ang lasa hehehe =)si mama din minsan ganoon, nagkakamali pero hindi naman madalas hehehenoong bday ko naloka ako sa pagtuturo ng tamang pagbabalot ng lumpiang shang hai andyang maluwag yung pagkakabalot andyang kaunti yung laman andyang sobra yung laman hays! hehehe =) ayus lang din bonding time =)
Ilan sa favorite episode ko sa ATASHIN CHI
*yung bumili yung nanay ni Mikan!ng sour beans wehehehe pilit na pinapakain sa pamilya niya pero siya mismo eh ayaw kainin :D*yung episode na may construction site sa tabi nil*yung episode na may crush pala si YUZU kay sheena halili*actually lahat ng episode gusto ko wehehehe!
Marami pa sana ako sasabihin kasu mukhang boring na polahat ng atashin fanatics pm niyo akogawa tayo ng fans club hehehe!

*excited sa next episode**cute na cute sa nanay ni MIKAN mukhang itlog*
*bagu baguhin ang kagubatab, magsimula muna sa bakuran*

0 (mga) puna: